Here’s Yugto lyrics by Rico Blanco. Enjoy!

Yugto Live Performance MP3 can be downloaded here.

heho ho ho ho 2X

sa gitna ng kadiliman may ahas na hahalik
tatawagin mong kaibigan na pinakamatalik
pupulupot sa leeg mo’t sisipsip ng yong dugo
ipapako ka sa krus kapag ikaw ay natuyo

sa gitna ng kaguluhan may kumukulong bulkan
di mapigil ang yabang at sakdal na kasakiman
susubukang angkinin ang lahat ng hindi kanya
kung kaya kang paikutin tiyak paiikutin ka

ngunit hindi nila kayang baliin ang iyong loob
ang pag-ibig na hawak mo’y hindi malulubog
lumiyab ka… lumiyab.

sa gitna ng kadiliman may bwetreng nagmamasid
may magbabato ng putik ngunit walang mayayanig
iiyak ang mga batang nahulugan ng kendi
lahat ng mga problema sa iba sinisisi

sa gitna ng kagubatan may ahas na hahalik
ituturing mong kaibigan na pinakamatalik
leeg mo’y pupuluputan, dugo mo’y sisipsipin
pag wala ka nang pakinabangan ending mo ay sa bangin

ngunit hindi nila kayang baliin ang iyong loob
ang pag-ibig na hawak mo’y hindi malulubog
lumiyab ka… lumiyab.

tuwing hating-gabi’y maririnig mo ang huni
ng mga kaluluwwang naliligaw
lahat ng pera sa mundo di kayang gawing ginto
ng huwad na tao

ang mga tinig, palakas ng palakas
hanggang gumuho ang mga hadlang
ang mga tinig, palakas ng palakas
hanggang gumuho ang mga halang

saksi ang langit sa lahat ng naganap
saksi ang langit sa ikalawang yugto
lumiyab ka… luiyab ka…
sa ngalan ng katotohanan
sa ngalan ng iyong dangal
ang puso at ang iyong isipan
ialay mo sa maykapal…
lumiyab. lumiyab.


FREE service provided by MusicWebTown.com

Popularity: 1% [?]